Ang Wi-Fi mo, may kita na.
Malapit ka ba sa school o dorm? Sa bawat oras na naka-connect ang customer sa Wi-Fi mo, ₱2 ang sa'yo. Automatic: walang voucher, walang sukli, walang bantay.
One-time na bayad, sa'yo na ang unit.
Panoorin: paano ito gumagana
1 minuto
Magkano ang kikitain mo?
I-slide para makita ang posibleng kita ng tindahan mo.
Paano ito gumagana
- 1Bilhin ang CONEWER Wi-Fi unit. One-time na bayad, sa'yo na ang unit.
- 2Ikabit sa internet mo. Gamit ang fiber na meron ka na. Tutulungan ka naming i-set up.
- 3Kumita nang automatic. Customers pay ₱3/oras sa GCash o Maya. Walang voucher, walang sukli, walang bantay.
- 4I-cash out sa GCash. Kita mo ang oras at earnings live sa phone mo.
Kita mo lahat sa phone mo
Live na kita, sino ang naka-connect, at cash-out sa GCash. (Demo account sa video.)
Mga madalas itanong
Magkano ang Wi-Fi unit?
₱3,500 lang, one-time na bayad, at sa'yo na ang unit. Umorder dito, o mag-sign up sa baba para sa schedule ng set-up.
Magkano ang kikitain ko?
₱2 sa bawat oras na naka-connect ang customer (₱3/oras ang bayad nila). Halimbawa, 20 customers × 2 oras bawat araw = ₱2,400 bawat buwan. Depende ito sa dami ng customer sa puwesto mo; gamitin ang calculator sa itaas.
Kailangan ko bang magbantay o magbenta ng voucher?
Hindi. Ang customer mismo ang magbabayad sa phone niya gamit ang GCash, Maya, QR Ph o card, at automatic na papasok ang kita mo.
Paano ko makukuha ang kita ko?
Makikita mo ang kita mo live sa CONEWER owner dashboard. Puwede kang mag-cash out sa GCash kapag umabot na sa ₱300 ang balance mo. May ₱15 transfer fee bawat cash-out.
Gagamitin ba nito ang internet ko?
Oo, ikakabit ang unit sa fiber connection na meron ka na. Ang mga customer na nagbabayad ang gagamit nito, at ikaw ang kikita.
Mag-sign up
Iwan ang detalye mo at tatawagan o ite-text ka namin para sa presyo at set-up.
Salamat!
Natanggap namin ang detalye mo. Tatawagan o ite-text ka namin sa lalong madaling panahon.
o kaya, bilhin na ang unit
Umorder ng unit · ₱3,500
Customer ka?
Nasa tindahang may CONEWER Wi-Fi ka? Ganito mag-connect, ₱3 lang kada oras.
- 1Piliin ang Wi-Fi na CONEWER, o i-scan ang QR sa tindahan.
- 2Gumawa ng account gamit ang mobile number mo.
- 3Mag-top up sa GCash o Maya: ₱21 = 7 oras.
- 4Piliin ang oras at i-tap ang Connect.
Halimbawa lang ang mga numero; depende ang aktwal na kita sa dami ng customer sa puwesto mo. Customer rate ₱3/oras, owner share ₱2/oras ng connected time. Cash-out sa GCash: minimum ₱300, ₱15 transfer fee bawat cash-out.